Matagal kong hinintay ang
Dyip patungong langit.
Nang dumating na’y, pasakay
Pa lamang ako. Siya nama’y
Papalabas na.
Nagkatitigan kami at kanyang
Nasabi: “O, ikaw naman, dika
Pwede sumabit.” Nagkatinginan kami
Sa haba ng isang gabing saglit.
Umupo ako at niyakap ng titig
Ang paglalaro ng alam at agos
Sa kanyang buhok.
Umandar ang dyip.
At agad kong nasambit:
Kabababa lang ng langit.
No comments:
Post a Comment