Monokuro Boo

You speak as if I'm a paper doll. You define my facade with the point of your pen. You clothe me with such chromatic thoughts. You fold me to whatever form you prefer. And then you smile, to see such physique you have beautifully crafted with your words, with your thoughts.

And you see a curl from my lips, seemingly forming a smile. Yet, it is not what you perceive. I am not smiling back at you.

Perhaps, the day will come that I shall, when you perceive is other than my physique. When you have conceived that I am a soul, not just a PRETTY PAPER DOLL.

--Lynn Nhuk


Tuesday, June 7, 2011

Nananaginip ba ang bulag?

Nananaginip ba ang bulag
Sa mundong walang sinag?
May kulay ba ang dilim
Sa mundong kulay itim?

Hindi mo lubos maisip
Kung ano’ng klaseng panaginip
Sa mundong walang Makita
Ano ang malilikha?

Nananaginip ang bulag
Pikit man o dilat
Hindi mo man lubos maisip
Dahil ang pananaw mo’y makitid.

Makulay ang mundo nila
Di lang berde, di lang pula
Di tulad ng mundo mo
Puro usok, kulay abo.

Pangarap ng bulag ang makakita
Di tulad mo, nabubulag sa nakikita
Kulay ginto, kulay dugo
Iyan ang pinapangarap mo.

Ang bulag ay nakakalakad sa dilim
Ikaw ay lumalakad tungo sa dilim
Sila’y nakadarama ng init at lamig
Ika’y walang nadarama dahil ikaw ay manhid.

Ang panaginip ng bulag ay puno ng kabutihan
Makulay, maganda, at kapakipakinabang
Di tulad ng pangarap ng pinuno ng bayan
Makasarili, gahaman, at puno ng kasalanan.

Sa puso ng bulag ay may pusong tumitibok
Sa panaginip  ng bulag ay may mabuting nalililok
Sa ating mundong gingalawan,
Sino kaya ang tunay na bulag?

No comments:

Post a Comment