Ilang araw na ba akong
ganito? Tambay sa room; lalabas lang pag kakain (puro pa bawal! XDD Masarap ang
bawal), pag pupunta ng jane, may importanteng lakad, may shot o pag nautusan.
Hindi ko na nga rin alam kung anung date na ngayon, hindi ko na rin kasi nache-check
ung calendar ko sa dilim ng kwarto, daig ko pa ang ibang bahay na wala talagang
kuryente. Ito, always nakaharap sa monitor ng laptop- nagsusulat, nagde-design
at nanunuod ng kung anu-ano. Pati sa pagtulog, pahirapan. I need to take some
sort of medication pa para lng makatulog.
Basically, I’m a sincere type of person, for me, sincere
is being honest and I value honesty in every way. I’d rather be true than avoid
pretending amidst pressure-“SINCERE.” Sabi sa isang quotation—“Only
those who have learned the power of sincere and selfless contribution
experience life's deepest joy: true fulfilment.” Ilang challenging experience
pa ang need kong ma-encounter sa life ko para masabing nakuha ko na ang “true
fulfilment?” And, i’m the type of person who enjoys working with different kinds
of individual, I love variations and I can appreciate individuality. Working
with different types of people has always been a challenging thing to me, I
love challenges and it keeps me going. Kaya ba paulit-ulit na nangyayari sa
akin ang isang bagay dahil “I LOVE CHALLENGES” o dahil nd pa ako natututo kaya
hindi ako maka-alis sa situation na ‘to? How harsh life is. In what way you
want me to learn? Anung klase ng lesson ba ang dapat kong matututunan para mag
level-up naman ako? Wala akong ibang sinisisi sa kung ano man ang nagyayari sakin ngayon, kung may dapat ako sisihin, yun ay ang sarili ko for being fragile
and vulnerable. Sana, makalimutan ko lahat ng bad memories para mawala na yung
pain na nafi-feel ko ngayon and sooner or later magiging okay na din ako. Kahit
tempopary amnesia lang enough time na to start anew. Magiging masaya na ako
nun. I prayed to god na kahit wag na sa lovelife basta sa career na lang, okay
na ako, contented na ako, kahit pa tumanda akong dalaga, basta successful ang
career, pwede na. Wag lang ako paulit-ulit na masaktan.
No comments:
Post a Comment