"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala
talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing
pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung
sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late
at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung
nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo
na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee
"Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro
ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae,
mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at
lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung
ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong
dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit
kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng
anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan,
malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook
ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi
bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They
get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a
cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim
lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o
di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di
ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi
nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at
nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at
isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from
God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all
advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang
lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're
meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way
nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng
araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo,
nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at
nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang
panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang
pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And
if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break
her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang
babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba
sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng
Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit
ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan,
pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng
makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay
mo. :)
--Unkown (Philippine Pie)
No comments:
Post a Comment